HomePHP / USD • Currency
add
PHP / USD
Nakaraang pagsara
0.018
Mga balita tungkol sa merkado
Tungkol sa Piso ng Pilipinas
Ang Piso ng Pilipinas, ay ang opisyal na pananalapi ng Pilipinas. Nagmula sa salitang Kastila na ang piso ay nangangahulugang "timbang". Nahahati ang bawat piso sa 100 sentimos. Ang "PHP" ay ang kodigo nito sa ISO 4217. Ang Pilipinas ay isa mga bansang naging Kolonya ng Espanya na gumagamit ng piso bilang kanilang pananalapi, katulad ng Mehiko, Kolombiya at Arhentina. Noong Oktubre 2005, ang suplay ng piso ng Pilipinas ay umabot ng 569.2 bilyong piso.
Bago pa ang 1967, nang ang Pilipinas ay kolonya pa ng Estados Unidos, ang wikang ginagamit sa perang papel at barya ay nasa Ingles; kaya “peso” ang ginamit noon. Ngayong Filipino na ang gamit sa mga salaping papel at barya, naging “piso” na ang pangalan ng salapi ng Pilipinas.
Ang piso ay kadalasang sinusulat sa simbolong “₱”. Ang ibang paraan ay: “PHP”, “PhP”, “Php” o kaya’y simpling “P”. Ang ₱ ay naidagdag sa pamantayang Unicode sa bersiyong 3.2 at itinala sa U+20B1. Ang simbolo maipalalabas sa mga sulat-tala sa pamamagitan ng pagpindot ng “20B1” at pindutin ang Alt at X nang sabay. WikipediaTungkol sa Dolyar ng Estados Unidos
Ang dolyar ng Estados Unidos, o dolyar Amerikano, ay ang opisyal na pananalapi ng Estados Unidos, na pinatupad ng Batas ng Sinsilyo ng 1762. Ito rin ang pananalaping reserba na ginagamit nang malawak sa labas ng Estados Unidos. Sa kasalukuyan, nasa pagpipigil ng sistema ng Pagbabangko ng Reserbang Pederal ang pagpapalabas ng pananalapi. Ang simbolo ng dolyar ang karaniwang simbolo para sa dolyar ng Estados Unidos. USD ang kodigo sa ISO 4217 para sa Dolyar ng Estados Unidos; tinutukoy din ng Pandaigdigang Pondong Pananalapi ito bilang US$.
Maraming uri ng salapi ay pinatupad ng Kongreso ng Estados Unidos paglipas ng mga taon, ang Salaping Reserbang Pederal na isinabatas sa taong 1913. Ang lahat ng mga umiiral na salapi ay pwede pang gamitin, pero ang mga dati pang papel de bangko ay tinigil ang pagpapagawa sa 1971. Sa resulta na ito, maraming mga pera na umiiral sa merkado ay mga salaping reserbang pederal, denominadong Dolyar Amerikan. Wikipedia