HomeXMR / USD • Cryptocurrency
add
Monero (XMR / USD)
Nakaraang pagsara
331.74
Sa balita
Tungkol sa Monero
Ang Monero ay isang salaping kripto na nakatuon sa pribasya. Ito ay isang bukas-pinagmulan na proyekto na inilunsad noong Abril 2014, na may pangunahing layunin na magbigay ng mga transaksyong hindi matutunton at hindi maikakabit sa isang partikular na pagkakakilanlan. Upang mapanatili ang pribasya ng mga gumagamit, gumagamit ang Monero ng mga teknolohiya gaya ng ring signatures, ring confidential transactions, at stealth addresses.
Ayon sa mga tagasuporta nito, ang Monero ay "ang espirituwal na tagapagmana ng Bitcoin." Dahil sa mataas na antas ng pagiging hindi matunton, naiugnay ang paggamit ng Monero sa mga kriminal na gawain, awtoritaryang rehimen na sumusubok umiwas sa mga parusa, at mga grupong terorista. Gayunpaman, ang mga developer ng code nito ay walang opisyal na kaugnayan sa anumang ideolohiyang pampulitika o relihiyon. WikipediaTungkol sa Dolyar ng Estados Unidos
Ang dolyar ng Estados Unidos, o dolyar Amerikano, ay ang opisyal na pananalapi ng Estados Unidos, na pinatupad ng Batas ng Sinsilyo ng 1762. Ito rin ang pananalaping reserba na ginagamit nang malawak sa labas ng Estados Unidos. Sa kasalukuyan, nasa pagpipigil ng sistema ng Pagbabangko ng Reserbang Pederal ang pagpapalabas ng pananalapi. Ang simbolo ng dolyar ang karaniwang simbolo para sa dolyar ng Estados Unidos. USD ang kodigo sa ISO 4217 para sa Dolyar ng Estados Unidos; tinutukoy din ng Pandaigdigang Pondong Pananalapi ito bilang US$.
Maraming uri ng salapi ay pinatupad ng Kongreso ng Estados Unidos paglipas ng mga taon, ang Salaping Reserbang Pederal na isinabatas sa taong 1913. Ang lahat ng mga umiiral na salapi ay pwede pang gamitin, pero ang mga dati pang papel de bangko ay tinigil ang pagpapagawa sa 1971. Sa resulta na ito, maraming mga pera na umiiral sa merkado ay mga salaping reserbang pederal, denominadong Dolyar Amerikan. Wikipedia